Pangarap ko ay ang pangarap mo lyrics

Pangarap Kong Pangarap Mo
Nandito ako dahil sa ‘yo
Hindi ko alam kung kakayanin kung hindi kita kasama
Sa aking paglipad ikaw ang hanging nagdala
Sa akin sa mga bituin
Pangarap ko ay ang pangarap mo
Iaalay sa ‘yong s’yang unang nagbigay
Ng tiwala’t pagmamahal na walang kapalit
Nang dahil sa ‘yo’y mabubuo
Ang pangarap kong pangarap mo
Nagtiwala kang kakayanin kong lahat
Nabura ang mga pag-aalingan ko dahil sa ‘yo
Pinakita mo sa akin mga kaya kong gawin
At ‘wag matakot abutin at liparin itong
Pangarap ko ay ang pangarap mo
Iaalay sa ‘yong s’yang unang nagbigay
Ng tiwala’t pagmamahal na walang kapalit
Nang dahil sa ‘yo’y mabubuo
Ang pangarap ko
Ang lahat ng ito’y ginawa mo para sa akin
Saan man makarating ay dadalhin
Magtiwalang mapapasaakin
Ang pangarap ko ay ang pangarap mo
Iaalay sa ‘yong s’yang unang nagbigay
Ng tiwala’t pagmamahal na walang kapalit
Nang dahil sa ‘yo’y mabubuo, dahil sa ‘yo’y maaabot
Ngayo’y matutupad na ang lahat ng pangarap ko
Pangarap mo